Movie Trivia: Charo Santos
By Boy Silverio

Si Charo Santos, noong 16 na taong gulang pa lamang ay itinanghal bilang “Miss Calapan” hanggang sa naging Miss Oriental Mindoro” at “Miss STAA (Southern Tagalog Athletic Association).” Ang lahat ng ito ay noong 1971. Pangalawa sa anim na magkakapatid, si Charo ay lumakit’ nagkaisip sa isang konserbatibong pamilya. Ang kaniyang yumaong ama, si Dr. Winfredo Santos, naging tunay na disciplinarian na matatawag. Ang bagay na ito ang naging dahilan kung bakit lalong napagbuti ni Charo ang kanyang pag-aaral at nanguna siya sa klase. Siya’y naging valedictorian sa elementarya at high school at nagtapos ng cum laude sa AB Mass Communications sa St. Paul College, Manila noong 1975. Hindi natagalan, siya ang napiling “Baron Travel Girl,” and “Miss Green Race”.

Ang pinaka-turning point ng buhay ni Charo ay nang mamatay ang kanyang ama noong 1978. Bagaman nababatid niyang ayaw ng kanyang ama na pumasok siya sa larangan ng pelikula, ipinakausap niya sa kanyang ama na kahit gumawa man lamang ito ng senyas o palatandaan makaraan itong mamatay na siya’y pinayagan nito. Makaraan ang maraming panananlangin, dumaing ang sandal nang tawagan siya ng kanyang PRO na si Baby K. Jimenez na nagsasabing tumelegrama si Mike de Leon mula sa Australia at ibinalitang nanalo siya bilang “Best Actress” ng Asia dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang “Itim” sa Asian Film Festival na sa Sydney. Ang role ditto ni Charo ay bilang young woman na pinoposses ng kaluluwa ng kanyang yumaong kapatid na si Susan Valdez, who died in the hands of an abortionist.

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 16 Jul 2019
  • 0
The New Woman in Feminist Literature and Filipino Films By Carmen Guerrero-Nakpil The second (and latest) offensive of that phenomenon known all over as Woman’s...
  • 9 Jul 2018
  • 0
Born on September 14, 1919, Josefino Cenizal grew up with immense mastery in music. His skill was greatly influenced by his mother, Rosario Ymson Cenizal,...
  • 16 Jul 2019
  • 0
Manuel Conde Genius of the Philippine Cinema Isinulat ni Neal Marquez Alam ba ninyo na ang tunay na pangalan ni Manuel Conde ay Manuel Urbano?...
X