Movie Trivia: Elizabeth Oropesa
  • 23
  • 07

Movie Trivia: Elizabeth Oropesa
By Boy Silverio

Unang kumita ng liwanag si Elizabeth Oropesa sa Malate, Maynila noong Hulyo 17, 1954, ngunit unang lumaki’t nagkaisip sa Guinobatan, Albay. Unang anak ng kanyang mga magulang na sina Flordeliza Oropesa at Henry Freeman, isang American Indian. Unang nawalay sa kanilang mag-ina ang kanyang ama nang siya’y tatlong taong gulang palamang. Unang pangarap niya ay maging isang sundalo. Unang nakadiskubre sa kanya bilang artista ay ang Roda Productions. Unang gumanap sa pelikulang “Daredevil Riders” noong 1973, at unang naging ganap na bituin sa “Huwag Pamarisan: Mister Mo, Lover Boy Ko”.

Unang ayaw sa tao ay yaong mga ipokrito. Unang naging runner up sa pagka-Miss RP of 1971. Unang naging prodyuser nang itatag niya ang El Oro Films International na ang unang pelikulang ginawa ay “Hagkan Mo Ang Dugo ni Venus” noong 1977. Unang ikinasal kay Armando M. Santiago noong Agosto 18, 1972 sa Bacolod City. Nagsama sila bilang mag-asawa hanggang Enero, 1973. Unang naging anak niya kay Marc Roces ay may pangalang Genevieve. Unang naging anak na pa nganay ay lalaki, si Henry. Unang aktres na naka-away ay si Chanda Romero. Unang nag-introduce sa mga artista ng sky diving. Siya pa rin ang kauna-unahang tumalon sa himpapawid noong 2nd Asean Parachuting Championship. Unang nagpa-derby sa sabong sa Elorde Sports Complex noong Hulyo 7, 1983. Unang nagkamit ng Famas Award bilang Best Actress noong 1975 dahil sa pagganap sa “Lumapit, Lumayo Ang Umaga.”.

Unang bold movie na ginampanan ay sa “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa”. Unang actor na nagkaroon siya ng kaugnayan noong wala pa siya sa pelikula ay si Andy Poe (SLN).

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 17 May 2019
  • 0
Dyesebel is a staple on Filipino TV, it originated from Mars Revalo’s comics from the 50’s. The show is a classic example of how media...
  • 18 Mar 2019
  • 0
MOWELFUND 45th Anniversary Onward to Greater Change for the Movie Worker 45th Anniversary Celebration of the Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Saturday, March 23, 2019,...
  • 6 Jun 2019
  • 0
Manila by Night, a masterpiece of Ishmael Bernal, is a film that exposes the harsh reality in the lives of the underprivileged Filipinos. Some may...
X